VOLUME 1: CHAPTER 22: STALKER AT HUMAN TRAFFICKER?!Samantala, hinihingal at pinagpapawisan na nagising si Timothy mula sa isang panaginip. Napalingon siya sa gilid niya at doon ay nakita niya ang assistant niyang nakatayo habang nakangiwing nakatingin sa braso nitong mahigpit niya pa lang hawak.Agad niyang binitawan ang assistant niya nago siya umupo at sumandal sa headboard ng kama."What are you doing here, James?""Uh, pinapagising po kayo sa akin, Sir. Saka, gusto ko rin pong ipaalam sa inyo na nasa sala po si Kael," tukoy nito sa lalaking lubos ding kalapit at pinagkakatiwalaan ng anak nila ni Tricia na si Kristoff."Hmm, okay. Susunod na lang ako," aniya kaya tumango ang assistant bago nagpaalam at lumabas ng kwarto niya. Siya naman ay nagpunta ng banyo upang sandaling maglinis at magpalit ng damit bago bumaba kung saan nakita niya si Kael na nasa sala.18 years old lang ang lalaki. Labing-tatlong taon ang agwat ng edad nito kay Kristoff pero napakalaki ng respeto nito sa ana
اقرأ المزيد