Nangangatal na napa iling-iling si Tricia habang hawak ang malamig na kamay ng mga bata. "N-no, n-no, n-no, h-hindi p-pwede 't-to, h-hindi 'to totoo..." bulong niya saka mabilis na tumayo at ginamit ang buong lakas niya upang tanggalin ang mga mabibigat na bagay na nakadagan sa mga bata.Hindi niya alintana ang pag-awat sa kanya ng mga tao at ang panlalabo ng mga mata niya dahil sa mga luhang sunod-sunod ang pagpatak.Sa isip-isip niya, naaalala niya ang panahong kasama niya ang mga anak.At habang iniisip niya 'yon ay ramdam niya ang lalong pagbigat ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinupunit ang puso niya sa sakit na nararamdaman."Naku! Miss, tama na 'yan!""Delikado ang ginagawa mo, Miss!""Miss, kumalma ka, tama na!"Rinig niyang mga sigaw ng mga tao ngunit hindi niya pinansin 'yon at sa halip ay nagpatuloy lang sa ginagawaRamdam niya ang ilang beses na pag sugat sa kamay niya ng ilang matutulis na bagay, nakita niya rin ang pagdurugo no'n ngunit.ipinagsawalanh bahala niya lan
Last Updated : 2026-02-07 Read more