Binalewala lang ni Lukas ang sitwasyong naabutan niya, at nagpaalam sa kaniyang ina. Hindi man lang nagawang sulyapan ako nang dumaan siya sa harapan ko. Ano pa nga ba ang inaasahan ko?“Wala ka na ngang kwentang tao, napakabastos pa ng mga bibig mo! Marapa’t lang ‘yan sa ‘yo. Hindi pa ‘yan putik nang makita mo kinalalagyan mo,” bulalas ni Ma’am Cassadra bago galit na umalis. Sumunod sa kaniya ang dalawa niyang alipores—ang mayordomang si Lucy at ang katulong na si Madonna.Samantala ako, tila basang-sisiw na naiwang nakatayo. Napatingala nalang ako at tumitig sa kisame, huminga ng malalim at umakyat muli sa itaas.Sa lahat ng mga sinabi ni Ma’am Cassandra kanina, mukhang wala pa itong alam sa annulment na ngayon ay inaayos namin ni Lukas. Hindi niya pa alam na pagkapanganak ko ay maghihiwalay kami ng kaniyang anak. Kung alam niya iyon, ay marahil, hindi na ito nag-abala pang puntahan ako at kausapin, at pagbantaan ng gano’n, total naman kasi ay, dalawa o tatlong buwan na lang naman n
Read more