Maliya’s POVNatanaw kami ni Mrs. Argente sa gitna ng pagtitipon. “Maayos na ba ang lahat?” tanong niya, ang tingin ay palipat-lipat sa amin ni Marco.“Ayos na po, Grandma,” nakangiting sagot ni Marco. “I owe Maliya a lot for this. Next time, I’ll make sure to treat her to make it up to her.”Tumango ang matanda nang may pagsang-ayon. “Dapat lang, Marco,” nakangiting aniya.Matapos ang hapunan at pagpapaalam, isinuot ko ang aking down jacket. Sumunod ako sa pag-alis ni Lukas, na tila ba hindi man lang naisip na antayin ako. Inihanda na ng driver niya ang sasakyan sa may pintuan. Walang imik ang asawa ko, nakapamulsa siyang naglakad nang mabilis at agad na sumakay, na tila ba may hinahabol na mas mahalagang bagay kaysa sa akin.Madulas ang daan dahil sa ulan. Mabuti na lang at inalalayan ako ng katulong sa bawat dahan-dahang hakbang ko pababa ng hagdan. Maingat akong sumakay, habang ang isang kamay ko ay nakakapit sa pinto at ang isa naman ay sa upuan para suportahan ang bigat ng aking
Read more