Unang araw ng shooting sa malawak na studio. Maaga pa lamang ay abala na ang lahat, mga staff na nagtatakbuhan, mga ilaw na ini-aayos, at mga artistang naka-kostumeng tila bumaba mula sa sinaunang panahon.Hindi kailangang magsalita ni Alice. Kailangan lamang niyang umupo sa tabi ng emperador, maganda, kaakit-akit, at tila isang palamuting may sariling buhay. Isang presensyang hindi maikakaila. Ngunit kahit walang linya, hindi biro ang kanyang pinagdaanan.Sa ilalim ng tirik na araw, suot niya ang makakapal na patong-patong na kasuotang pang-ancient. Mabigat ang tela, masikip ang pagkakatali, at ang mga palamuting nakapatong sa kanyang ulo ay tila ilang kilo ang bigat. Pagkatapos ng unang take, ramdam niya ang pawis na dumadaloy sa likod niya, kahit hindi iyon halata sa labas. Nakangiti pa rin siya, tuwid ang likod, elegante ang tindig, ngunit sa loob, halos matunaw na siya.“Cut!” sigaw ng direktor.Kaagad na lumapit ang dalawang assistant ni Angela. Isa ang may hawak na pamaypay, ab
Last Updated : 2026-02-25 Read more