“Gaano ka katagal mananatili rito?” Tahimik ngunit mabigat ang tono ni Zedhryx nang magtanong siya, may halong awtoridad ng isang nakatatanda at ng isang boss na sanay masunod.Napatuwid si Theo na parang estudyanteng tinawag ng principal. Kahit pa sanay siyang magmatigas ang ulo sa harap ng iba, sa harap ng taong ito ay kusa siyang nagiging maayos. “Kung walang aberya, dito na muna ako sa Pinas,” sagot niya nang seryoso. “Alam kong uso ngayon ang mag-expand overseas, and I did learn a lot abroad. Pero ang bilis ng pag-unlad ng film industry natin dito. Malaki ang market, and I think… it’s time to return to my roots. Mas gusto kong dito mag-grow.”Isang maikling “Mm.” ang naging tugon ni Zedhryx, kasabay ng bahagyang pagtango, isang bihirang senyas ng pagsang-ayon. Para kay Theo, sapat na iyon para makahinga siya nang maluwag. Hindi man lantad ang papuri, ramdam niya na hindi siya nabigo.Upang mabawasan ang bigat ng hangin, agad siyang nagtanong, “Kumusta si Zex?”“Good,” maikli ngun
Last Updated : 2026-03-05 Read more