Muli kaming bumalik sa kusina ni Chef Dorian, mabilis kaming nagpaalam sa mga diners, upang ihanda ko ang pagkain ng matandang babae. Nang pumasok kami sa kusina ay napatingin sa amin ang lahat, tila nakikiusyoso kung anong nangyari. “Are you sure you have a recipe for Mrs. Valencia?” tanong ni Chef Dorian. Nasa likod ko siya, habang inihahanda ko ang mga sangkap sa lulutuin ko. Habang binubuksan ko ang undercounter, naalala ko si Cullen, pareho ng sakit ni Mrs. Valencia. Ang food aversion disorder. Hindi lang simpleng pananakit ng tiyan iyon, ayaw talaga ng sikmura na tumanggap ng kahit anong pagkain. Minsan, hindi lasa ang kalaban kundi stress, pagod, o kung anong bigat na dala ng isip. “Oo. Magtiwala ka lang sa akin, Chef,” sagot ko, at inilabas ang mga sangkap: luya, bigas para sa lugaw, isang pirasong manok para sa sabaw, konting fennel para sa banayad na aroma, at lemon na hindi para asiman kundi para gisingin ang ilong. “That’s not on the menu. We don’t serve that,”
Read more