Lena's POV The wedding march began. At sa bawat hakbang ko patungo sa altar, pakiramdam ko ay muli kong binabalikan ang buong buhay ko. Mula sa batang nawalan ng pagkakakilanlan. Sa babaeng lumaking salat sa buhay ngunit punong-puno ng pagmamahal. Sa babaeng paulit-ulit na nasaktan, iniwan, at sinubok ng tadhana. Hanggang sa babaeng ngayon... na naglalakad patungo sa lalaking pinakamamahal niya. Nangilid ang mga luha ko habang nakatingin sa dulo ng aisle. Naroon si Caelus, nakatayo sa harap ng altar. Nakasuot ng itim na tuxedo. At nakatitig lamang sa akin. Parang wala nang ibang tao sa paligid, parang ako lang ang nakikita niya. At ganoon din ako, sa dami ng taong naroon, siya lang ang nakikita ko. Siya lang. Ngumiti siya, at sa simpleng ngiting iyon, para bang lahat ng sakit na pinagdaanan ko ay naging sulit. Napalingon ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Naroon ang pamilya Luciano. Si Lolo Jose, si mommy Vivian, si daddy John at ang tatlo kong kuya na sina Juli
続きを読む