LIAN POVAng gabi ay mas mabigat sa lungsod kaysa sa liwanag ng araw.Bawat poste ng ilaw ay may anino. Bawat anino ay may mata. Bawat mata ay may kwento ng lihim at kasinungalingan.Pinili ko ang gusaling i-infiltrate. Walang pangalan. Walang marka. Para sa iba, isa lamang abandoned warehouse. Para sa akin, sentro ng sistema na matagal nang nakatago sa mata ng publiko.Agent Cruz ay nasa labas, nagbabantay. Alam naming may mga taong nagmamasid sa bawat galaw namin. Ang bawat hakbang ay kailangang eksakto, walang palya.“Handa ka na ba?” tanong niya, mababa ang boses, ngunit puno ng pag-iingat.“Handa,” sagot ko, tinig ko ay kalmado, ngunit ang utak ko ay nagmumuni sa bawat posibilidad. “At kung may mali, alam natin ang back-up plan.”Pumasok ako sa warehouse. Ang mga pinto ay nakasarado, naka-lock, ngunit hindi sa antas ng isang propesyonal na hindi makakalusot. Ang mga sensor ay pinalitan ko na ng signal jammer, sapat para hindi makapagsimula ng alarma.Ang loob ay malamig, halumigm
最終更新日 : 2026-02-09 続きを読む