Chapter 11Tahimik ang paligid matapos ang simpleng pagbati.Pero kahit tahimik, ramdam ni Amara ang bigat ng tingin ni Sebastian sa kanya. Parang sinusuri nito ang bawat galaw niya ay parang naghihintay na magkamali siya.Hindi niya alam kung maiilang ba siya o maiirita.Sa kabilang banda, ang dalawang bata naman ay nakatayo pa rin sa likod ni Sebastian. Hindi pa rin sila tuluyang lumalapit, pero hindi na rin sila kasing takot kanina.Progress na ‘yun. Maliit man, pero progress pa rin.“Let’s go inside,” malamig na sabi ni Sebastian.Tumango ang dalawang bata. Habang naglalakad sila papasok ng bahay, napansin ni Amara ang dalawang matandang nakatayo malapit sa van ang parents ni Sebastian.Elegante ang dating ng babae. Nakasuot ito ng cream-colored dress at may maayos na hairstyle. Mukha itong istrikta, pero dignified. Samantalang ang lalaki naman ay matangkad at seryoso ang aura.Pareho silang nakatingin kay Amara at halatang hindi maganda ang impresyon nila sa kanya.‘Great! Anothe
Last Updated : 2026-04-15 Read more