Veronica’s POVHindi na ako nagdalawang-isip.Pagkasabi ko kay Cyanne na kailangan naming umalis, agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Hindi ko na pinansin kung gaano ako kabigat huminga.Wala nang oras para magpaliwanag.“Mom, sandali—” habol niya, pilit bumabangon sa kama.“Huwag kang maingay,” putol ko, mahina pero madiin. “Kailangan nating umalis ngayon.”Napahinto siya.Hindi dahil naintindihan niya kundi dahil naramdaman niya ang takot sa boses ko.At iyon ang mas masakit.Mabilis kong tinanggal ang ilan sa mga nakakabit sa kanya ingat, pero hindi na kasing dahan tulad kanina “Masakit—” reklamo niya.“Konti na lang,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Kaya mo ‘to.”Tinulungan ko siyang tumayo.Halos bumigay ang tuhod niya.Agad ko siyang inalalayan.“Mom… anong nangyayari?” mahina niyang tanong.Hindi ako sumagot.Hindi ko kaya.Kung magsasalita ako baka magbago ang isip ko.At hindi pwede ‘yon.Binuksan ko ang pinto at sumilip sa hallway.Tahimik.Pero hindi na ako
閱讀更多