“Ava, come and join us for merienda,” aya ni Elize sa dalaga matapos nitong ibaba sa mesa ang mga sandwich na bagong gawa mula sa kitchen. Kasalukuyang nasa pool side ng bahay ang among babae at binabantayan ang mag-ama nitong nasa swimming pool.Hindi muna sana tutulong si Ava sa mga gawaing bahay sa loob ng bahay ng mga Del Fierro, kaya lang, dahil weekend, ayaw ng dalaga na manatili sa loob ng kanyang silid. Mas lalo lang siya kasing nag-iisip tuwing mag-isa siya. Hindi lang dahil sa nangyari sa kanila ni Xander. Kundi lalo pa ngayon at muling nagpakita si Rod sa kanya. She needs distraction. Lots of it.Ngumiti si Ava. “H-hwag na po, Ma’am. May gagawin pa po kasi ako sa kusina,” maagap na tanggi ng dalaga sa amo.“Oh c’mon, Ava. Di ba sinabi ko naman sa ‘yo na habang nagtatrabaho ka kay Xander, kahit na h’wag ka na munang tumulong dito sa bahay,” ani Elize.“Wala naman po akong pasok ngayon, Ma’am. At saka hinahanap din po kasi ng katawan ko ang pagtatrabaho dito sa loob ng bahay
Read more