“Ralph, mabuti at narito ka na, hijo. Maari na tayong magsimula sa meeting,” ani Ricardo Del Fierro o Richard, ang tiyuhin ng binata at kasalukuyang OIC ng Del Fierro Minings, ang kumpanyang pag-aari ni Don Pedro Del Fierro, ang abuelo ni Ralph. Kasalukuyang ang matandang lalaki ang namamahala sa kumpanya dahil naka-indefinite leave so Don Pedro at nagpapagaling dahil nagkasakit ito.“Sorry, Tito. Late akong nasabihan ni Mark tungkol sa meeting na ito. For that, I apologize,” pormal na sabi ng binata, ipinaikot ang mata sa iba pa nilang kasama sa oval table at magalang na tumango.“It’s okay, Ralph. You may sit down,” nakangiting sabi ni Mrs. Ramiro, ang head ng finance department.Isang pormal na ngiti lang ang isinagot ng binata bago tuluyang umupo sa bakanteng silya na para sa kanya. Hindi nagtagal, nag-umpisa na ang meeting. They tackled about a proposal to purchase a vast mineral-rich site in the south that could expand their business.“The total cost of the project would be arou
Last Updated : 2026-02-17 Read more