Imbes ba matakot sa lalaking kaharap, nagtaas ng noo si Calvin, umigting ang panga. "Ikaw na naman? Bakit ka ba laging nakikialam? May pag-uusapan kami ni Elize. Siya ang gusto kong nakausap, hindi ikaw," anang binata, bumaling kay Elize, lumambot ang mga mata. "We need to talk, Elize. Kahit saglit lang. It won't take long, I promise," anang binata. Sa puso ay umaasa ng sa pagkakataong iyon, papayag nang makipag-usap sa kanya nang mahinahon ang dating nobya.He is laying his everything on the line now, The future of his business, even his pride. Kung siya pa ang dating Calvin, hindi niya gagawin ang pagsunod-sunod kay Elize. Subalit batid na niya ngayon na importante sa kanya ang dating nobya. Na hindi niya maaatim na mabuhay na wala ito sa piling niya.Napabuga ng hininga si Elize, agad na bumangon ang inis sa dibdib. Hindi na niya alam kung anong lengguwahe ba ang dapat niyang gamitin para maintindihan siya ni Calvin."I don't want to talk to you, Calvin. Paulit-ulit kong sinasabi
Huling Na-update : 2026-02-23 Magbasa pa