Sa loob ng malawak at marangyang chief of surgery office sa Villareal Medical Center, ang lahat ay nakaayos ayon sa perpektong standard ni Dr. Jace Villareal. Ang mga medikal na libro ay nakahanay ayon sa sukat, ang mga papeles ay nakasalansan nang tuwid, at ang mamahaling fountain pen niya ay nakalagay sa gilid. Pero ang may-ari ng opisina? Kasalukuyang nakaupo sa kanyang ergonomic leather chair, nakatitig sa kawalan, at may hawak na piraso ng surgical gauze na kanina pa niya pinipilipit nang walang malay. “Bukas, paggising ko, walang hangover na makakapagpabura niyan. You are mine, Zoe.” Naipikit ni Jace ang kanyang mga mata nang mariin. Ang sarili niyang baritono kagabi, ang bango ng balat ni Zoe, ang tamis at pananabik sa bawat dampi ng kanilang mga labi habang nakasandal ang babae sa pader ng hallway... ang lahat ng iyon ay parang pelikulang paulit-ulit na nagpe-play sa kanyang utak. Kanina pang umaga, matapos ang almusal na punong-puno ng nakatutulig na tensyon, sinus
Ler mais