Ang pagbukas ng private elevator ni Jace ay hindi naglabas ng tunog, kasing tahimik ng buhay na naghihintay kay Zoe sa loob. Paghakbang niya palabas, ang bumungad sa kanya ay hindi ang tipikal na bachelor pad na puno ng alak at gulo. Ang penthouse ni Jace Villareal ay epitome ng minimalism—puti, abo, at itim ang mga kulay, bawat gamit ay nasa tamang anggulo, at ang amoy ng eucalyptus at disinfectant ay humahalimuyak sa hangin. "Welcome to your new headquarters, Zoe," malamig na sabi ni Jace habang ibinababa ang mga gamit niya sa tabi ng isang dambuhalang sofa. Hindi sumagot si Zoe. Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng sala, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang glass walls na tanaw ang buong siyudad. Sa labas, ang mga ilaw ng Maynila ay tila mga bituin na hindi na niya maaabot. Para sa mundo, nasa Singapore siya at nagpapagamot. Pero sa katotohanan, nasa gitna siya ng lunsod, nakatago sa ika-limampung palapag ng gusaling ito. "I'll show you your room," utos ni Jace. Sumuno
Read more