Kahit na ramdam ni Dylan ang bigat ng resbak ni Jace sa kanyang mga ari-arian sa BGC at sa retainership fees niya, hindi pa rin nawawala ang natural na kamandag at yabang ng isang Dylan Alcantara. Imbis na magmukhang kaawa-awa, sumandal siya sa leather couch, itinaas ang kanyang kamay, at sinenyasan ang VIP manager ng club. "Bring me the finest models you have tonight. 'Yung mga bagong pasok mula sa international agency," utos ni Dylan na may kasamang pilyong ngiti. "Kailangang bawiin ang malas ko ngayong gabi dahil sa isang madamot na neurosurgeon." Napa-iling si Drake habang si Sebastian naman ay natawa na lang. Kahit kailan talaga, unbothered ang gago. Humarap muli si Dylan kay Jace. Ang kanyang mukha ay walang bakas ng takot, sa halip ay napalitan ito ng isang nakakalokong ngiti na tila ba may hawak pa rin siyang alas laban sa doktor. "You can freeze my assets, ban me from your companies, and put an army of bodyguards around Lianne, Doc Villarreal," simula ni Dylan, dahan-
Ler mais