Ang buong hardin sa Tagaytay ay patuloy pa rin sa pagdiriwang matapos ang matagumpay at emosyonal na proposal ni Dr. Jace Villareal kay Zoe Mondragon. Ang mga ilaw mula sa mga fairy lights ay sumasayaw sa saliw ng mahinang tugtog, habang ang mga bisita ay masayang nag-uusap sa bawat lamesa.Sa isang gilid malapit sa VIP table, nakatayo ang mga natitirang magkakaibigan na nagmamasid kina Jace at Zoe na abalang kayakap si Baby Zianna habang binabati ng pamilya Villareal at ng mag-asawang Sebastian at Althea.Si Atty. Dylan Alcantara, na nakasuot pa rin ng kanyang pormal na grey suit ngunit medyo gusot na ang kurbata, ay mapanuyang ngumiti habang umiinom ng isang baso ng mamahaling champagne. Inakbayan niya si Drake na nasa tabi niya, habang nakatitig sila sa masayang pamilya sa gitna."Well, well, look at that," sarkastiko ngunit natatawang bulong ni Dylan sa kanyang sarili, sapat para marinig nina Drake at Lianne na nakatayo rin doon. "Dalawa na ang bumagsak. Si Sebastian Castillo n
Read more