“Good day, Mr. director,” magalang na bati ni Rain sa director at ngumiti, yumuko rin siya bilang pagbibigay galang rito. Agad naman na tumango ang matandang lalaki at ngumiti rin sa kaniya, tumayo pa ito para batiin din siya.“Magandang araw din sa’yo,” saad nito at napatingin kay Jake na nakatayo lang sa gilid. “Anong dahilan ng biglaan na pagpunta rito?” Hindi maiwasan na tanong ng director lalo na at wala talaga sa schedule niya ang pagpunta ni Rain doon.Agad namang nakaramdam ng hiya si Rain sa tanong na ‘yon ng director at napakagat sa ibabang labi. “A-Ako po si Rain Garde, mula po ako sa design department ng Gray company,” pagpapakilala niya.Agad namang napatingin ang Director na si Jude kay Jake at napangiti. “Oh, Rain Garde… maupo ka sa sofa, gusto kong malaman ang dahilan ng biglaan mong pagpunta rito,” nakangiti niyang saad at naglakad na rin patungo sa kabilang sofa para mas makapagusap sila ng maayos.Agad namang sumunod si Rain sa sinabi ng director at maingat ang gala
더 보기