“H’wag ka ngang malikot, ang likot-likot mo kuya Arison,” pigil sa akin ni Jam habang nakatayo sa gilid ko sa harap ng altar, hinawakan pa niya sa braso ang kuya niya para lang tumigil kakagalaw. Kulang na lang ay humaba na ang leeg kakasilip sa pintuan ng simbahan kung papasok na ba si Serene o hindi pa, halatang gustong-gusto ng makita ang asawa.“Bakit ang tagal, kanina pa tayo nakatayo rito ah?” Tanong niya, nagsasalubong na naman ang kilay.“Anong kanina pa? Huy, kakatawag lang sa atin, kuya Arison. Masyado ka namang mainipin e parang dalawang minuto pa lang tayong andito sa harap,” pambabara ni Jam sa kapatid at tumingin sa mga bisita, pero mabilis din na iniwas ang tingin at binalik sa kapatid.“Dalawang minuto pa lang ang lumipas?” Hindi makapaniwalang tanong ni Arison. “Bakit nila tayo pinatayo dito kung hindi pa naman pala magsisimula—”Naputol ang sasabihin niya ng biglang umalingawngaw ang tunog ng piano sa paligid, ang pamilyar na kanta na pareho nilang pinili ni Serene p
더 보기