Pumikit ng mariin si Rain bago muling nagmulat at sinalubong ang tingin ni Jam sa kaniya, ngumisi siya bago nagsalita.“Sa tingin mo ba ay magagawa mo akong saktan? Jam, matagal na tayong tapos. Kung ano man ang nangyari noon, wala na lang ‘yon sa akin ngayon, nagawa kitang ipagpalit noon…” saglit na tumigil si Rain sa pagsasalita para pigilan ang boses na panginig. “at kahit may pera ka pa ngayon, sa tingin mo hindi ko magagawa ‘yon?”Tiim-bagang na inangat ni Jam ang mukha ni Rain, medyo humigpit rin ang hawak niya sa panga nito. “Let’s see, Rain… let’s see. Sa pagkakataon na ‘to, hanggang hindi mo inaamin na mali ka sa ginawa mo at pinagsisisihan mo ang desisyon mo… hindi kita titigilan,” bulong niya at mabilis na siniil ng halik ang mga labi ni Rain na napaawang sa gulat.Mararahas ang bawat kilos ng labi ni Jam, walang pagiingat ang bawat pag angkin nito sa kaniyang labi na animo’y uhaw na uhaw na matikman ang labi niya.Noong makabawi ay sinubukan ni Rain na itulak si Jam ngunit
더 보기