“Hey,” malanding tawag ng isang lalaki paglabas pa lang ni Rain ng comfort room, agad na nakaramdam ng kaba si Rain. Mas binilisan niya ang lakad, pinilit ang sarili na h’wag lingunin ang lalaki ngunit mas maging makulit ‘to.Ang kanina na nakasandal lang sa pader ay agad na tumayo ng matuwid at sumunod sa kaniya. “Narinig mo naman ako, pero bakit ayaw mo akong pansinin? H’wag mong sabihin na nagpapakipot ka pa sa akin?” Saad ng lalaki gamit ang lasing na boses, halos pagewang-gewang na ‘tong maglakad habang nakasunod kay Rain.Akmang tatakbo na si Rain ng hawakan nito ang braso niya at hinila palapit, wala siyang pagiingat na sinandal nito sa pader at ikinulong sa pagitan ng mga braso. “Ano ba, ang arte mo naman. Alam ko namang gusto mo rin ang gagawin ko, hindi mo na kailangan na tumakbo at patagalin pa. May k’warto sa itaas, halika na,” pilit nito at halos yumuko na para pagdikit ang mukha nila.“Ano ba, lumayo ka nga sa akin! Hindi ko alam ang sinasabi mo, at kung ano man ang inaa
더 보기