“So, bakit bigla ka na lang nawala noong gabing ‘yon?” bungad ni Cy kay Serene pagkaupo nila sa isang table sa loob ng coffee shop. “Ah.” Mabilis na napaiwas ng tingin si Serene sa kaniyang kaibigan. Abala siya kunwaring tingnan ang paligid ng coffee shop. “Inantok ako, Cy. Umuwi agad ako. Sabi ko naman sa’yong wala ako sa mood,” palusot niya at saka inabot ang juice na nasa lamesa. Sumimsim siya roon ng marahan. “Inantok?!” OA na reaksyon ni Cy. “Inantok ka sa mga g’wapong nasa harapan mo, Serene?! Jusko naman, sana tinikman mo si Don! Masasarap sila, mag-eenjoy ka!” Halos pumasok ang juice sa ilong ni Serene dahil sa kaniyang narinig, paulit-ulit siyang napaubo. “Kung alam mo lang, Cy na sobrang nag-enjoy ako nang gabing ‘yon…baka sabunutan mo ako,” bulong niya sa sarili. Alam niyang hindi niya na dapat sabihin pa iyon kay Cy dahil hindi siya titigilan nito sa katatanong. Ayaw rin naman niyang maalala ng kaibigan ang kagagahan niya nang gabing ‘yon! “So, bakit tatlo ang d
Last Updated : 2026-03-06 Read more