“Hello, Rain?” Boses ni Jake pagkasagot pa lang niya ng tawag. “Anong oras ang lunch mo, sabay na tayong kumain. Pupuntahan kita diyan, sabihan mo lang ako, ‘kay?”“Hmm, sige. Papunta na ako sa labas, hintayin mo na lang ako,” saad niya at agad na binaba ang tawag, agad niyang kinuha ang bag sa gilid at tumayo na. Palabas na sana siya ng masalubong niya si Hailey at Jam na sabay na naglalakad.Ang mga kamay ni Hailey ay nakayapos ng mahigpit sa mga braso ni Jam na animo’y anumang oras ay may aagaw kay Jam, napailing na lang siya at akmang hindi papansin ang mga ‘to ng magsalita ni Jam para makuha ang atensyon niya.“Saan ka pupunta? Sumama ka sa amin at may pupuntahan tayo,” saad ni Jam na ikinatigil ni Rain, nilingon niya ito ng may kunot ang noo.“Pupuntahan?” Naguguluhan niyang tanong lalo na at kasama naman nito si Hailey, kulang na nga lang ay magkapalit na sila ng mukha dahil sa sobrang dikit nila sa isa’t-isa.“Sumama ka na lang, Rain. Ang dami mo pang gustong itanong,” singgit
Read more