Lumabas na kami ng office ni ma'am Josephine at nagsisimula na akong mag-isip kung saan kami pupunta sa QC. Ngumingiti ako habang nagtatrabaho at talagang excited na ako sa nalalapit naming pag alis. After work ay dumaan muna kami ng Pixel Brew para i-meet si Timo.Pagkapasok pa lang namin ay napansin ko na puno ang cafe kaya nahirapan kaming humanap ng bakanteng table.“I-take out na lang natin,” wika ni Dami ng hindi kami makahanap ng bakanteng table.“Sikat na talaga ang Pixel Brew,” dagdag pa ni Isco kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin at sinabing, “Oh, ano na naman ang lalabas sa bibig mo?”Ngumiti ako sa kanya at sinabing, “Takot ka ba?”“Alam nyong dalawa, hindi niyo sinasabi sa akin ang nangyari kahapon,” wika ni Dami at lumayo ng konti sa amin ni Isco. “Ang daya nyong dalawa,” dagdag pa niya.“Tell her, Isco!” sabi ko naman kay Isco na para bang hinahamon ko siya kundi ako ang magsasabi kay Dami.
Last Updated : 2026-02-27 Read more