Samarah’s POV “Ija, why are you not touching your food? Are you okay?” Kasalukuyan kaming naghahapunan nang mapansin ako ni Lola. “Ah opo, okay lang po ako.” Pilit akong ngumiti, napansin ko ang nanlilisik na mga mata ni Mama. Kung nakakamatay lang siguro yan baka napuno na ako ng saksak. “Are you sure? Here, yung cravings mo na rosemary chicken.” Tumayo si Rowan at hinainan ako na lalong ikinatirik ng mata ng Mama niya. “T-thank you, okay na ako don’t worry.” “Ma, baka inaway mo ‘yan ah?” Singit ni ate Gabby sa usapan, “At bakit ko naman siya awayin ha?” “Sus! Kunwari ka pa, alam ko namang gusto mong ikasal si Rowan sa anak ng mga amiga mong matapobre.”
Read more