Samarah's POV “Tell me about it.” Nag-iwas ulit ako ng tingin, “You trust me, right? Hindi ka naman siguro magpapakasal sa akin kung wala kang tiwala sa akin kahit konti.” Napaisip ako at napatango. Tama naman siya. Kung tutuusin hindi na kami iba sa isa’t isa, “Alam mo naman na may gambling problem ang Papa ko, naikwento ko na sa ‘yo ‘di ba?” “Yes.” Bumuntong hininga ako bago magkwento, “Nito lang nakaraan nalaman naming marami na naman siyang pinagkakautangan. Ang malala, pati sa Casino. Akala ko tapos na ang mga problema namin sa utang, sa wakas makakaipon na ako dahil nga sa pagpapakasal ko sa ‘yo. Kaso wala eh, haha. Hindi ko alam kung anong gagawin, yung mga gamit sa bahay binebenta niya isa-isa. Tapos kanina nag-text si Mama pati raw pampa dialysis ng kapatid ko kinuha niya.” “Para ipang sugal?” Umiling ako, “Tinatakot na raw siya ng nga pinagkakautangan niya. Pati raw kami idadamay kapag hindi siya nakabayad.” “Why didn't you tell me sooner?” “Bakit ko naman sasabihin
続きを読む