Samarah's POV “Paano yan wala yung driver ko eh, sa tricycle tayo sasakay.” Nanlaki ang mga mata ko. “Seryoso ka ba? Anong sinakyan mo papunta rito?” “Sinundo ako ni Andrei.” “Magpakita na ba ako ng cleavage para madistract sila?” “Wala ka namang ganon.” “Aba't!” Hindi ko namalayang nasa labas na pala kami. May pumaradang itim na kotse sa harap namin. Lumapit siya rito at pinagbuksan niya ako ng pinto, “Sabi mo wala?!” “Wala nga, ipapa kidnap na kita.” Inirapan ko siya. “Korni mo!” Lumingon ako sa loob at nakita kong nakasilip pa rin sila, “Teka, pinanonood nila tayo.” Maarte akong pumasok sa loob ng kotse saka inihagod ang kamay sa legs ko na para bang papunta ako sa isang red carpet. “Mukha kang tanga.” “Hindi mo kasi alam ang uso ngayon!” Umiling lang siya saka ako itinulak papasok sa loob. Pagpasok namin sa bahay, nakaupo pala sa sala si Lola at mukhang may bisita. “Oh? Where have you been?” tanong niya sa amin, “Nag-date ba kayo?” “Hin-” “Yes, I fetch my
Read more