Sa kabilang banda, pagod na pagod na si Zach dahil sa tambak na dokumento at walang katapusang meeting sa kumpanya, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina. Narinig niya ang balisang kwento ng nanay niya sa phone: bumalik daw si Aera, may kinuha, tapos umalis na mukhang disappointed. Nabanggit din si Cedric, kaya biglang bumigat ang pakiramdam ni Zach.Agad siyang tumayo, hindi maipinta ang itsura, at nagmamadaling umuwi sa bahay nila.Pagpasok na pagpasok niya sa pinto, nanay niya lang ang nadatnan tulala ang mukha at walang tao sa sala.“Nasan si Serene?” tanong ni Zach, pinipigil ang galit.Bumalik si Aera pero hindi man lang siya sinabihan nito, tapos bigla-bigla lang ulit mawawala ng hindi man lang nagpaalam sa kanya.“Paano ko malalaman? Sabi niya kaninang umaga may aasikasuhin siya, kaya iniwan niya sa akin ang bata. Pero hanggang sa gumabi na lang, hindi pa siya bumabalik!”Halos mabaliw na siya sa pag aalaga kay Cedric, at kahit gaano niya kamahal ang apo niya, ubos na
Read more