Ilang araw ang lumipas.Maagang nagising si Elara isang umaga dahil sa tunog ng shower mula sa banyo. Sanay siya na nauuna si Sebastian sa schedule, pero ngayon, iba ang pakiramdam ng bahay. Mas tahimik. Mas magaan.Paglabas ni Sebastian ng banyo, nakasuot ito ng simpleng puting polo at slacks. Hindi siya agad nagsalita. Sa halip, tumingin siya kay Elara na nakaupo sa kama, hawak ang phone.“May meeting ka ba today?” tanong niya, casual ang tono.“Yeah. Presentation ng marketing draft,” sagot ni Elara habang nagtataka. “Why?”Tumango lang siya. “Good. You worked hard on that.”Napatigil si Elara.Dati, ang maririnig niya ay, “Sinong kasama mo?” o kaya “Si Lorenzo ba ang magpe-present sa’yo?”Ngayon, wala.“Lorenzo and I are leading it,” dagdag niya, sinasadya.Saglit siyang tumingin kay Sebastian, hinihintay ang reaksyon.Ngunit hindi ito nagbago ang ekspresyon.“Then make sure you both deliver,” kalmado niyang sagot. “You don’t need to prove anything to anyone.”Bahagyang kumunot ang
최신 업데이트 : 2026-02-18 더 보기