Mula nang matuklasan ni Sebastian ang mga anomalya sa negosyo ng kanyang mga magulang, tila mas lalo lamang dumami ang mga tanong sa kanyang isipan.Akala niya, kapag nabasa na niya ang lahat ng ulat at dokumento, makakahanap siya ng sagot.Ngunit kabaliktaran ang nangyari.Mas lalo lamang siyang nalito.Napatunayan niyang maraming lihim ang itinago ng kanyang mga magulang sa likod ng Montecarlos Corporation. Mga transaksyon na hindi kailanman ipinaliwanag sa kanya, mga kasunduang ginawa sa likod ng mga saradong pinto, at mga desisyong maaaring nakasira ng maraming tao.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon—Wala pa rin siyang natagpuang kahit isang detalye na may kinalaman sa pag-alis ni Elara.Walang record.Walang dokumento.Walang ebidensya.Para bang sadyang binura ang lahat ng bakas ng nangyari noon.At iyon ang lalong nagpabigat sa kanyang dibdib.Kaya matapos ang ilang araw ng pag-iisip, nagdesisyon si Sebastian na gawin ang tanging bagay na maaaring magbigay sa kanya ng sagot.Ka
최신 업데이트 : 2026-03-14 더 보기