Muling binasa ni Barbara ang nakasulat sa papel. Once her signature was put on the paper, it will become the board members' biggest weapon to suspend Nate from his position or worse, they will impeach him."Wag ka ng magmatigas pa, Barbara. Alalahanin mo, wala si Master Nate dito para iligtas ka," sarkastikong panunuya ni Yasmin na binuntutan pa ng mahinang tawa. Hindi niya pinansin si Yasmin at kalmadong ibinaling ang tingin kay Mr.Aquino. "And if I don't sign this garbage? You're forcing a senior executive to sign a false statement under duress. Alam mo ba ang legal repercussions nito?" Puno ng babala niyang wika.Natawa nang malakas si Mr. Aquino, isang tawang puno ng kasakiman at kumpiyansa. "Duress? Sino ang maniniwala sa'yo? Ang buong Board na narito ay saksi na pumasok ka rito ng kusa. At kapag hindi mo pinirmahan 'yan, sisiguraduhin kong lalabas ka sa kumpanyang ito na may seryosong kaso ng corporate fraud at grave misconduct. Isasampa ko iyan sa korte, Barbara. Sisirain ko a
Leer más