Dahan-dahang ibinaba ni Barbara ang kanyang hawak na tinidor. Pulang-pula ang kanyang mga pisngi at tenga habang nakatingin sa halos malinis na plato ng Moussaka at walang laman na skewers ng Souvlaki."N—Nate... sorry," untag niya sa mahinang boses, hindi makatingin nang diretso sa lalaki. "Hindi ko napansin na... na halos maubos ko na pala ang lahat. Kaunti lang ang kinain mo. Nakakahiya, daig ko pa ang patay-gutom."Isang mababa at giliw na tawa ang pinakawalan ni Nate nang marinig ang kanyang sinabi. Nate lightly pinched her nose like he used too again. "There's absolutely nothing to be ashamed off, Barbara. Mas lalo akong natutuwa kapag nakikita kitang marami ang kinakain. It means you loved my favorite food.""Pero paborito mo ito, tapos ako ang nakaubos..." bulong pa ni Barbara, na pilit pa ring nagdadahilan."I can eat this anytime, Barbara. But seeing you enjoy it this much? That's more than enough to fill my stomach. Makita lang kitang busog, busog nadin ako."Sa pagkakataon
Leer más