Pagdating nila sa loob ng opisina, kasalukuyan ng nakaupo si Grandpa Nazzarius sa swivel chair nito. Sa kabilang banda, magkatabi sina Luke at ang pamilya nito kasama na si Celine habang sa kabilang bahagi naman ay ang mga magulang ni Nate.Nate led her into his family side. Inalalayan pa siya nitong makaupo bago tumabi sa kanya. Hinawakan ni Nate ang kanyang kamay at marahang pinisil na para bang pinapahiwatig nito na nasa tabi niya lang ang lalaki."Now, talk," malamig na utos ni Grandpa Nazzarius.Agad namang tumayo si Sofia mula sa kinauupuan nito. "Grandpa, nakita ninyo naman ang ebidensya sa mukha ni Celine. At si Luke, halos mabalian ng kamay dahil kay Nate! Malinaw na walang modo ang Barbara na 'yan at ginagamit niya si Nate para maghasik ng gulo rito! Kung hahayaan ninyo siya na maging asawa ni Nate ng matagal, baka hindi lang ito ang gagawin niya," puno ng pag-aalalang sambit ni Sofia.Isang malamig na titig ang ipinukol ni Grandpa Nazzarius sa kanya. "Is it true, Barbara? Y
Read more