Literal na nanlaki ang mga mata ng kanyang ina kasabay ng pagbalatay ng labis na pag-aalala sa mukha nito. "Pero madadamay ka sa away ng pamilya niya. She came from a toxic family and Luke's family was the same. Hindi matatapos ang away nila and you will be dragged down to their mess, Nathaniel! Yun ba ang gusto mo?""I already anticipated for that to happen and I'm ready for it," matatag niyang sagot.Mariin na napapikit ang kanyang ina. "Nate... Please makinig ka sa akin. There are a lot of women out there far more better than that Barbara. Please think it over again," pangungumbinsi pa nito."Sigurado na po ako, Mommy."Sandali siya nitong pinagmasdan bago nag-iwas ng tingin. "Will you still marry her kapag sinabi kong hindi ko siya matatanggap at hindi na kita kikilalaning anak?" Malamig nitong tanong.Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi bago siya nagsalita. "Matagal ko ng isinantabi ang bagay na ito, Mommy. Ngayon na nagkaroon ako ng pagkakataon, I will not let this moment go
閱讀更多