"What? The dinner will start? Hindi niyo po paaalisin si Barbara?" Hindi makapaniwalang wika ni Luke.Dahil sa labis na gulat at pagkadismaya dala ng hindi natupad ang inaasahan niya, hindi na niya napansin ang pagtaas ng kanyang boses. Natigilan nalang siya nang makita ang malamig na tinging ipinukol sa kanya ng matandang lalaki."Barbara and Nate are married. She belongs to the family. Now, if anyone had opposed me as the host of continuing the dinner, then the door is wide open... You are free to leave," malamig nitong turan.Umigting ang panga ni Luke. Damn it! Talaga bang tatanggapin ni Grandpa Nazzarius si Barbara kahit na dati niya itong asawa?Mula sa matandang lalaki, ibinaling niya ang kanyang tingin sa gawi ni Barbara. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi nito. O mas tamang sabihin na isang mapang-uyam na ngiti. Mula sa mukha ng babae, dumako ang kanyang mga mata sa kamay nitong nakaabrisyete sa braso ni Nate. Hindi nakaligtas sa kanya ang kumikinang nitong mga singsin
Read more