"AALIS KA NA?" hindi makapaniwalang tanong ni Ambrose nang sabibin ni Kiana na aalis na siya sa bahay nito dahil nakuha na niya ang bahay niya sa tulong ni Leander.Naka-boxer lang ito, habang may headphone sa ulo dahil nadatnan niyang abala ito sa paglalaro sa PC nito ng online games na gawa ng kompanya ni Leander. Mahilig kasi sadya si Ambrose sa online game.Malungkot siyang tumango. "Ambo, pasesnsiya ka na talaga sa abala, huh? Lagi ka na lang naaabala kapag may problema ako. Naging waiting shed na kita, naging comforter, naging orphanage dahil lagi mo akong pinapatuloy kapag kailangan kita." Lumapit pa siya rito at hinawakan ito sa kamay. "Salamat sa pagpapatuloy, sa pagkupkop mo sa akin ng walang bayad, sa lahat ng tulong mo na hindi mo pinag-isipang ibigay sa akin. If you're not here, baka hindi ko na alam kung paano ako babangon. Salamat," patuloy niya, puno ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob.Noon pa man kasi, palagi na talagang nasa tabi niya si Ambrose at hindi ito
Last Updated : 2026-03-05 Read more