BUMUNTONG-HININGA SI Kiana habang abala siya sa pagtipa sa computer. Hindi niya magawang mag-focus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Marigold at Isadora sa kaniya. May pinakita pa itong text message at phone call na sinasabi nilang galing sa kaniyang ama at hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan iyon o hindi."Bakit ganiyan ang mukha mo, Kiana? Mukha kang stress," pukaw sa kaniya ni Cita. "Kanina ka pa ring tahimik, you ok?" usisa nito.Binalingan niya ang katrabaho. "I'm fine, may iniisip lang ako," dahilan niya."May problema ka ba, Kiana? Baka may maitutulong kami," ani naman ni Jared.Simple siyang ngumiti. "W-wala, ok lang ako. Hindi lang talaga maganda mood ko ngayong araw but I'll be fine," aniya.Mayamaya'y nakita nilang parating ang number one chismosa sa kompanya, si Jah. Dumeretso ito sa kanila at tumingin sa kaniya na para bang may gusto itong itanong sa kaniya."Kiana," simula ni Jah. Napakunot ang noo niya."Over sa entrance, huh? May dalang chismis?" salubong n
Baca selengkapnya