"I-I'M sorry po, tito pero susuportahan ko po si Lean sa mga bagay na gusto niyang gawin dahil kapag nakikita ko po siyang masaya, it makes me happy too dahil mahal ko po ang anak ninyo," sabi ni Kiana at yumuko siya. Hindi niya gustong labanan ang nakakatakot na tingin ni Lawrence sa kaniya."Ang kapal ng mukha mong magsalita, Kiana. They didn't ask your opinion at sino ka para—""Gracia, enough!" madiing sabi ni Leander. Binalingan nito ang mag-asawa. "I thought everything would be alright kapag pinakilala ko sa inyo ang babaeng mahal ko pero mukhang mali na dinala ko pa siya rito." "Apo, Kiana, I'm so sorry hindi ito ang gusto kong mangyari. Lean, gusto kong makilala ni Lawrence at Marcia ang babaeng pinili mo because I believe it's time for you to make a choice for yourself. I'm sorry, Kiana," malungkot na paghingi ng paumanhin ni lola Florencia. "Lawrence please, enough.""It's ok, lola. I'm fine," aniya at pilit ngumiti kahit ang totoo hindi niya alam kung bakit naaapektuhan si
Last Updated : 2026-04-04 Read more