Elena's Pov"Nakakainggit 'yan, ha." Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakahinga nang maluwag nang makitang si Liam lang pala iyon. “The hell with you, Liam?” Enzo’s eyes darkened, and he put me on his back. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Sinulyapan niya iyon bago ibinaling ang tingin sa akin, at nang makitang ngumiti ako, ngumiti rin siya pabalik. “He was the one who told me everything, Enzo.” Mahina kong bulong, nakangiti. Nagkakasalubong ang kanyang dalawang kilay, “What are you talking about?” “I'm saying that he was a friend,” mahinahon kong sinabi ngunit sinamaan lang niya nang tingin si Liam na kalmadong nakaupo sa single sofa. “Tsk,” he hissed, and in the end, we both walked through to the sofa in front of Liam. Nakangisi pa rin siya, nang-iinis kay Enzo dahil alam niyang pikunin ang isang ito. Tumikhim siya, umayos ng upo habang matamang nakatingin sa akin. “Kampante na akong iiwan ka ngayon.” Sa pagkakataong ito ay may kung ano sa kanyang ngiti na hindi k
Read more