Stacey's PovUmuwi akong wala sa mood. Umalis iyong si Arnold at dinala siya ng pamilya nila para sa reunion. Hindi ko sinama ang mga kapatid ko na sina Kaloy at Jack, kaya silang dalawa lang ang naabutan ko sa bahay. “At talagang hindi kayo sinama ni Mama?” Naiinis ang tanong. Sumasakit ang ulo ko sa aking nadatnan dito sa bahay. At hindi man lang naisip ni Mama na maaaring hindi ako umuwi dahil minsan ay nag-o-overtime ako sa trabaho. Tapos…wala man lang ibinilin sa dalawa, kahit bente man lang. Mariin kong pinagdikit ang mga ngipin ko na halos tumunog na sa sobrang inis ko. Huminga ako nang malalim at kinalmahan ang sarili dahil wala naman akong magagawa. “Kumuha na kayo ng pagkain niyo; nagdala ako ng cake, macaroni salad, at spaghetti diyan.” Sambit ko, “At kapag hindi ninyo naubos, ilagay ninyo sa fridge, ha.” Tumango lang silang dalawa; si Jack naman ay Nakangiti. “Salamat, ate ha, kasi kahit hindi
Read more