KABANATA 143Ang biglaang pagbabago ng instructions ng mga kidnappers ay hindi inaasahan nina Enzo at Anastasia. Kanina lang ay malinaw ang usapan tungkol sa drop point, pero ngayon, pinapasok sila sa isang lugar na halatang hindi sakop ng surveillance ng team.Nang mapansin ang sandaling pananahimik nila, agad na nagsalita ang kidnapper mula sa kabilang linya. “Is there a problem?”Bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Anastasia, pero hindi siya nagpahalata. “No problem.”“Then move. Huwag kayong magpatagal,” malamig na utos ng lalaki.Nagkatinginan sina Enzo at Anastasia bago tuluyang kumilos. Nauna si Enzo, mabigat ang hakbang at matalim ang tingin. Sumunod si Anastasia, hawak nang mahigpit ang bag ng pera.Pagpasok nila sa hagdan pababa, unti-unting nagbago ang paligid. Kung sa itaas ay maliwanag at puno ng tao, dito sa basement ay kabaligtaran. Madilim, tahimik, at may kung anong amoy na hindi kanais-nais.Amoy lumang kahon, basang semento, at nabubulok na basura.Halos wala ring i
Last Updated : 2026-03-29 Read more