KABANATA 66“Grandpa Edgar, we’re already annulled.”Malamig ang tono ni Enzo, pero ramdam ang pagpigil sa galit. Akala niya sapat na iyon para tumigil ang matanda, pero kabaligtaran ang nangyari.Lalong kumunot ang noo ni Lolo Edgar. Umigting ang panga nito habang nakatingin kay Enzo. “Mas mabuti pang hindi mo na binanggit ‘yan,” mariin niyang sagot. “Kung alam ko lang agad, hindi sana kayo umabot sa ganiyan.”Saglit na nanahimik ang paligid. Halatang bumalik sa alaala ng matanda ang nakaraan.Noong biglang pumanaw si Doña Elena Padilla, nagulo ang buong pamilya. Abala si Lolo Edgar sa burol, sa mga bisita, sa lahat ng kailangang asikasuhin. At sa gitna ng lahat ng iyon, hindi niya namalayang tuluyan nang naghiwalay sina Enzo at Anastasia.“By the time I realized what was happening, tapos na,” mahina niyang dagdag, pero may laman ang boses. “You already signed the papers. You already let her go.”Napayuko si Enzo sandali, pero agad ding tumigas ang ekspresyon. Hindi siya sanay na kin
Last Updated : 2026-03-25 Read more