KABANATA 76Pagkabuhat ni Enzo kay Roscoe palabas ng study, diretso niya itong dinala sa kwarto nito.Tahimik ang bata habang nakasandal sa balikat niya. Hindi ito nagrereklamo, pero ramdam niya ang bigat ng iniisip nito.Pagdating sa loob, maingat niya itong ibinaba sa upuan malapit sa mesa.“Sit properly,” sabi ni Enzo, saka hinila ang isang libro. “Let’s continue.”Tahimik na tumango si Roscoe.Umupo siya at binuksan ang libro, pero halatang wala roon ang isip niya. Ilang beses siyang napapatingin sa pinto, parang may hinihintay.Hindi iyon nakaligtas kay Enzo.Bahagyang tumalim ang tingin niya.“Roscoe,” malamig niyang tawag, “concentrate.”Nagulat ang bata, agad na umayos ng upo. “Yes, Daddy…”Ilang segundo siyang nagbasa, pero hindi pa rin mapakali. Maya-maya, napatingin na naman siya sa pinto.Huminga siya nang malalim, saka nag-ipon ng lakas ng loob.“Daddy…” maingat niyang simula.Hindi agad sumagot si Enzo, pero tumingin siya sa anak, hinihintay ang sasabihin.“Can we invite
Last Updated : 2026-03-27 Read more