"Ikaw na muna ang bahala sa anak natin, Vhianne," saad niya bago siya tuluyang pumasok sa kotse.Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng aking bag, ngunit bago ko pa man ito sagutin ay pinauna ko na si Lily na sumakay sa aking kotse."Anak, maupo ka muna sa loob at isuot mo ang seatbelt mo, ha?" nakangiti kong paalala."Opo, Mommy," masunurin nitong tugon bago isinara ang pinto.Nang masigurado kong maayos na siyang nakaupo, saka ko lamang kinuha ang cellphone sa loob ng aking bag. Napansin kong si Attorney Hermes ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot."Hello, Attorney?" bati ko."Vhianne, pasensya na kung napatawag ako nang biglaan," mahinahon niyang saad. "May mahalaga sana akong ipapakiusap sa'yo."Napakunot ako ng noo bago nagsalita. "Ano po iyon?" Saad ko. "Nakatanggap ako ng ilang bagong dokumento na may kaugnayan kina Erah at Riguel, sa tingin ko, makatutulong ang mga ito sa kasong inihahanda natin. Kung maaari, magkita tayo sa opisina mamayang hapon
Leer más