LOGINPagkatapos ay ibinaba ko kaagad ang aking cellphone at dahan-dahan itong ipinasok sa aking bag na nakapatong sa kabilang upuan, sa tabi ko."Sino siya?" tanong ni Ezekiel sa akin habang seryoso niyang tinitingnan ang aking repleksiyon sa rearview mirror.Nang marinig ko ang boses niya ay agad ko siyang nilingon at mabilis na inayos ang pagkakaupo ko bago nagsalita."Hmm... just a friend of mine!" tugon ko sa kaniya.Ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.Napalunok ako bago ko muling dinugtungan ang sinabi ko."S-si Attorney Hermes... sa kaniya ko ibinigay ang mga ebidensya laban kay Erah at Riguel," nauutal kong sabi.Pagkasabi ko noon ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Maya-maya ay tuluyan itong huminto sa gilid ng kalsada.Laking gulat ko nang bigla siyang humarap sa akin."Are you okay?" seryoso niyang tanong. "Sinaktan ka ba nila?""Who?" nagtatakang tanong ko.Mabilis naman siyang sumagot."Ang mga lalaking h
Biglang bumukas ang pinto ng itim na SUV.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may isang lalaking mabilis na bumaba mula roon. May hawak itong itim na bagay sa kamay habang diretso ang tingin nito sa sasakyan namin."Kuya, bilisan mo!" mariin kong saad sa driver."Hindi po tayo makakalagpas sa harapan, Miss Vhianne!" tugon niya habang pilit na pinapabilis ang sasakyan."Mommy!" sigaw ni Lily habang mahigpit na nakakapit sa aking braso."Huwag kang matakot, anak. Kasama natin ang Daddy mo."Ngunit bago pa man ako makapagsalita muli, isang malakas na busina ang umalingawngaw mula sa likuran.Nakita ko ang sasakyan ni Ezekiel na mabilis na sumingit sa pagitan namin at ng itim na SUV."Vhianne!" sigaw niya mula sa loob ng sasakyan habang ibinababa ang bintana."Huminto ka sa tabi!" Saad ni Ezekiel"Pero paano si Lily?" Saktong sigaw ko"Nandiyan ako magtiwala ka sa akin!" Tugon ni Ezekiel sa kabilang linyaAgad kong tiningnan ang driver at marahan na nagsalita"Huminto tayo!" Saad ko
Nanatili akong nakatayo sa likuran ng restaurant habang mahigpit na hawak ang cellphone sa aking kamay.Hindi ko alam kung alin ang mas dapat kong katakutan—ang lalaking kanina pa nakatingin sa amin o ang impormasyong sinabi ni Attorney Hermes.Ginamit nila ang pangalan ko! Kung totoo iyon, maaari nilang palabasin na ako ang may kagagawan ng lahat, kailangan kong makausap si Ezekiel patungkol dito. Bulong ko sa aking sarili. "Attorney..." mahinang tawag ko. "Nandiyan ka pa ba, Vhianne?" Saad niya sa kabilang linya. "Opo." Mabilis kong tugon."Wag muna kayo dumeretso sa bahay ninyo" Saad ni attorney. Napatingin ako kay Lily na tahimik na nakahawak sa aking kamay."Pero saan po kami pupunta?" Saad ko pabalik sa kaniya. Nang marinig niya ang sinabi ko ay mabilis naman niyabakong sinagot. "May pinadala akong tao diyan jindi siya naka-uniporme at hindi rin siya sasakay sa sasakyang pagmamay-ari ng opisina siya ang susundo sa inyo." Saad niyaNapakunot ang noo ko bago marahan na nagsa
"Ikaw na muna ang bahala sa anak natin, Vhianne," saad niya bago siya tuluyang pumasok sa kotse.Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng aking bag, ngunit bago ko pa man ito sagutin ay pinauna ko na si Lily na sumakay sa aking kotse."Anak, maupo ka muna sa loob at isuot mo ang seatbelt mo, ha?" nakangiti kong paalala."Opo, Mommy," masunurin nitong tugon bago isinara ang pinto.Nang masigurado kong maayos na siyang nakaupo, saka ko lamang kinuha ang cellphone sa loob ng aking bag. Napansin kong si Attorney Hermes ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot."Hello, Attorney?" bati ko."Vhianne, pasensya na kung napatawag ako nang biglaan," mahinahon niyang saad. "May mahalaga sana akong ipapakiusap sa'yo."Napakunot ako ng noo bago nagsalita. "Ano po iyon?" Saad ko. "Nakatanggap ako ng ilang bagong dokumento na may kaugnayan kina Erah at Riguel, sa tingin ko, makatutulong ang mga ito sa kasong inihahanda natin. Kung maaari, magkita tayo sa opisina mamayang hapon
Nanatili ang katahimikan sa paligid matapos marinig ang malamig na boses ni Ezekiel.Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa amin, nakasuot siya ng kulay abong suit na bahagyang gusot, tila kagagaling lamang sa isang mahalagang pagpupulong. Nakatuon ang seryoso niyang tingin kay Erah at sa mahigpit nitong pagkakahawak sa braso ni Rebecca."Ano ang nangyayari rito?" muli niyang tanong, ngunit mas malamig at mas mariin ang tono ng kaniyang boses.Bahagyang natigilan si Erah bago pilit na ngumiti kay Ezekiel"B-Babe... wala naman. Maliit na bagay lang ito." Gulat at nauutal na tugon nito. Pero hindi siya sinagot ni Ezekiel sa halip ay napatingin siya kay Rebecca na para bang hindi narinig ang sinabi ni Erah. Nakita niyang namumula na ang maliit na braso ng bata dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Erah.Agad na kumunot ang noo ni Ezekiel bago seryoso na nagsalita. "Erah... bitawan mo ang bata." Seryoso na saad niyaNagulat ang lahat sa sinabi ni Ezekiel kay Erah"A-Ano?" nauuta
"Kuya, isang vanila icecream din po."Napalingon ako sa batang sumingit sa tabi ni Lily at nakita ko si Rebecca.Tahimik lamang siyang nakatayo habang mahigpit na hawak ang kaniyang pera sa palad. Hindi tulad ng ina niya, bakas sa kaniyang mukha ang pagiging mahiyain."Kuya, isang vanilla ice cream din po," muli niyang magalang na saad sa vendor ng icecream. "Sandali lang, iha," nakangiting tugon ng vendor habang inaabot ang isa pang cone ng vanilla ice cream.Samantala, masayang dinilaan ni Lily ang kaniyang ice cream bago ngumiti kay Rebecca."Pareho pala tayo ng flavor," masaya niyang sabi kay Rebecca. Bahagyang nagulat si Rebecca ng marinig niya na kinakausap siya ni Lily tila ba nahiya siya ng kaunti pero nagsalita din para tugunan siya. "Opo..." Tugon niya kay LilyHindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawang bata.Habang tinitingnan ko sila ay biglang pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ni Ezekiel na si Rebecca na anak ni Erah ay aampunin namin at tumayo na
Kakaalis lang ni Zeke papunta sa bestfriend ko para kunin ang natirang gamit ko doon.While he's gone, I'm going to call Kiro. Bulong ko sa sarili. Agad kong kinuha ang aking cellphone sa ibabaw ng table sa tabi ko. Nang matawagan ko ay agad naman niyang sinagot. "Beshhh, hello...! Saad ni kiro.
Vhianne's POV“You don’t need to do that. You can stay here after our divorce.” Mariing sabi niya na bahagya kong ikinatawa. I chuckled, “For what? Tapos na tayo, bakit pa ako mas-stay dito?” Sarkastikang tanong ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sa akin na para bang
“Naku, hija! Nakaraang araw ko pa napapansin! Halata rin sa lapad ng balakang mo. Kahit hindi mo sabihin ay alam ko na. At anong sinabi kay Ezekiel? Hindi niya pa ba alam na—” Bago pa man matapos ni Manang ang sasabihin niya ay pareho kaming napatalon sa gulat nang putulin siya ni Zeke. Naugat ako
Bumuhos ang luha ko habang nakaluhod na sumusuka sa toilet. Hindi ko na kaya pa ito, my stomach hurts and my emotions are overwhelming!Nang bahagya akong matigil sa pagsusuka ay napahagulhol ako sa iyak pero wala pang ilang segundo ay bumaliktad ulit ang sikmura ko ng maamoy ko si Ezekiel sa likod







