"Kuya, isang vanila icecream din po."Napalingon ako sa batang sumingit sa tabi ni Lily at nakita ko si Rebecca.Tahimik lamang siyang nakatayo habang mahigpit na hawak ang kaniyang pera sa palad. Hindi tulad ng ina niya, bakas sa kaniyang mukha ang pagiging mahiyain."Kuya, isang vanilla ice cream din po," muli niyang magalang na saad sa vendor ng icecream. "Sandali lang, iha," nakangiting tugon ng vendor habang inaabot ang isa pang cone ng vanilla ice cream.Samantala, masayang dinilaan ni Lily ang kaniyang ice cream bago ngumiti kay Rebecca."Pareho pala tayo ng flavor," masaya niyang sabi kay Rebecca. Bahagyang nagulat si Rebecca ng marinig niya na kinakausap siya ni Lily tila ba nahiya siya ng kaunti pero nagsalita din para tugunan siya. "Opo..." Tugon niya kay LilyHindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawang bata.Habang tinitingnan ko sila ay biglang pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ni Ezekiel na si Rebecca na anak ni Erah ay aampunin namin at tumayo na
Baca selengkapnya