Chapter 12: The Ex Husband's DelusionNakatitig ako sa salamin ng pinto ng opisina ko habang hinihintay ang pagpasok ng dati kong asawa. Wala pang limang minuto ay narinig ko ang mahinang katok."Come in," matigas kong utos.Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Anton. He is wearing his cheap gray uniform provided for the junior sales team. Lukot lukot ang polo niya at may malalaking itim na eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata. Malayo siya sa mayabang na Anton na nagtapon sa akin sa labas ng bahay noong umuulan. Isinara niya ang pinto. Pilit siyang ngumiti. Isang ngiti na ginagamit niya noon para makuha ang gusto niya sa akin."Good morning Madame President," bati niya sabay yuko nang kaunti.Hindi ko siya sinagot agad. I just stared at him using my cold eyes. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa para iparamdam sa kanya kung gaano siya kababa ngayon. Wala na ang pagmamahal ko para sa lalaking ito. Ang natitira na lang sa puso ko ay pandidiri."Take a seat Anton," turo ko sa
Read more