Chapter 81: The Ashes of the KingAng nakakabinging tunog ng isang mahaba at matinis na static ang nag iisang bagay na naririnig ko.Ang buong paligid ay nababalot ng makapal at mainit na usok. Ang lasa ng abo at sariwang dugo ay marahas na naghalo sa loob ng aking tuyong bibig. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata ngunit ang aking paningin ay malabo at dumudugo. Ang dambuhalang grand hall ng Ancestral Manor ay tuluyan nang nawasak. Ang nagtataasang kisame ay bumagsak at ang mga naglalakihang semento ay nagkalat sa paligid na parang mga bulalakaw na sumira sa ibabaw ng mundo.Naramdaman ko ang isang napakabigat na bato na nakadagan sa aking mga binti. Pero wala akong pakialam sa pisikal na sakit. Ang unang bagay na hinanap ng aking mga nanginginig na kamay sa gitna ng kadiliman ay ang maliit na bulto na yakap yakap ko nang buong higpit bago ang pagsabog."Ares" paos at basag na bulong ko umuubo ng dugo sa bawat salita.Naramdaman ko ang mainit na paghinga sa aking dibdib. I
Mehr lesen