"M-Mommy, baka po he's a bad guy. Baka po he'll yell at me po, Mommy." sambit ng anak ko. Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. "No, baby. I'm here to protect you okay? Besides, he's not a bad guy." wika ko bago tumingin kay Regulus na pinagmamasdan pala kami.Nakangiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Right, Regulus?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "Yes, I'm not that anymore." sambit niya bago lumapit sa gawi namin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tatanong sana ako pero umupo na rin siya at tiningnan si Chandria."You're already sleepy so, tara na? Para makatulog ka na ng maayos." sambit niya sa anak ko. Tumayo na siya at pinagbuksan kami ng pinto sa passenger seat. "Bukas nalang tayo umalis. Tulog na ang anak mo. Besides, it's already late," sambit ni Regulus habang nagmamaneho. Inayos ko ang ulo ng anak ko. Nakatulog na siya habang yakap ko. "What do you mean 'tayo'? Sasama ka ba?" tanong ko bago siya nilingon. Tumango siya
Read more